BY: KELVIN SAMSON - BEC Youth President
"Seek ye first the kingdom of God, and His righteousness and all these things shall be added unto you . . . . ."
Maliban sa "Ama Namin", ito ang mga katagang aking natutunan sa pagdalo ko sa misa tuwing araw ng linggo. Noong una nagsisimba ako dahil lamang sa mga awitin sa Misa. Ngunit ng maglaon, nalaman ko na may higit pa kaysa makinig lamang sa mga awitin - Ang Salita ng Diyos.
Kung maihahalintulad sa pagkain, "main course" para sa akin ang bahagi ito ng Misa kung saan ipinahahayag ang kanyang mga aral at gawa. Tunay ngang ang Salita ng Diyos ay Salita ng Buhay. Ito ang nagsisilbing gabay ko sa aking pang araw - araw ng pamumuhay. At kung aking pakakaisipin, ito rin ang nagbibigay sa akin ng pag-asa upang hindi sumuko sa mga pagsubok at hirap ng buhay.
Hinggil dito, bilang isang kabataan, isang hamon ang nais kong ipabatid sa lahat: dumating sa takdang oras ng misa at magbigay ng nararapat na atensiyon at pagpapahalaga sa naturang pagdiriwang. Nawa'y lagi nating isa-isip at isa-puso na ang Salita ng Diyos ay buhay sa ating pagsasabuhay.